Ang Huling El Bimbo Lyrics - Eraserheads

 Ang Huling El Bimbo Lyrics - Eraserheads - Lyrics Mania


Ang Huling El Bimbo Lyrics - Eraserheads


Kamukha mo si Paraluman
Nu'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Cha-Cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo
Pagkagaling sa 'skwela
Ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hoo
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
La la la la, la la, la la, la la la
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Taga-hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskinita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
La la la la, la la, la la, la la la
La la la la, la la, la la, la la la

Post a Comment

Previous Post Next Post
close