Nadarang Lyrics - Shanti Dope

 Nadarang Lyrics - Shanti Dope - Filipino Song Lyrics


Shanti Dope Nadarang Lyrics - Lyrics Mania


Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
May lakad ka ba mamaya?
Puwede ka ba makasama sa paggagala?
Kung sakaling 'di ka puwede
Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa
Siguro nga, napapaisip ka
Ba't ako nangangamusta?
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako baka sa'n ka mapunta
Pero mukhang ayos ka naman
Kahit 'di na kita abalahin pa
Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sa 'kin, uh?
Habang pinapantasya lamang nila
Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga
Du'n ikaw sa likod ng kolorete
Pag 'di na nangangahulugan
Sa salitang paraiso para sa 'kin
Bakit kaya kayamanan ko pa din kinikilala
Ang iyong pagtawa?
Kahit na sa puso mo man ay
Hinandusay na natin ang kasya
Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran
Kaya 'di na bago sa 'kin mawalan ng pag-asa
Ala-una ng umaga na naman
Tawagan mo na lang ulit ako
Kapag hindi na kayo magkasama
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
May lakad ka ba mamaya?
Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
Sabihin mo ngayong ako'y makakaasang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
Ay handang-handa pa din naman ako mamaos
Makakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang
Na paraan kita tutulungan makaraos
Bakit ka nagparamdam?
Siguro 'di na kayo nilanggam
Bakit kaya 'di niya alam ang iyong halaga
Kung gaano ka kalinamnam?
Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata
Ang hirap nang magpabaya
Kapag tawag na ng laman ang nagbadya
Makipaglangit-lupa ng walang taya
Mata sa mata, bibig sa bibig
Mga ingay na tayo lang dalawa'ng nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama
Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

Post a Comment

Previous Post Next Post
close