Zebbiana Lyrics - Skusta Clee

Zebbiana Lyrics - Skusta Clee - Lyrics Mania


Lyrics Of Zebbiana - Skusta Clee 


Kapag naaalala ko ang mga araw
Na magkasama tayong dalawa
Ngiti at luha sa aking mga mata
Gano'n na pala tayo dati kasaya
'Yung tipong kapag tayo'y nagkatitigan
Magngingitian para bang nahihibang
Mag-iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran
Kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakialam
Panahong nando'n ka pa, laging pumupunta
'Di inaasahan, may sorpresa ka laging dala
Ang saya-saya, ayoko lang pahalata
Kasi okay na naman ako basta makasama ka
Kaso lang wala ka na
Pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko, wala nang makakagawa
Makakatumbas ng 'yong napadama
Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita
Na nami-miss kita
Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rin kita
Kasi 'di ko na matiis, love
Dahan-dahan kitang nami-miss, love
Ilang beses man nilang aliwin
Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong kini-kiss, love
'Di pumapayag na 'di kita kasama
Kung makayakap, daig pa mag-asawa
Nakaalalay sa ano mang bagay
Mawala man ako sa sarili, laging nand'yaan ka
At kung mababalik ko lang
Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan
Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan
Balang araw kaso biglang umulan, yeah
Dahil nga wala ka na
Pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko, wala nang makagagawa
Makakatumbas sa 'yong napadama, oh
Alam ko namang kasalanan ko
Oh, sinayang ko
Malabo nang pagbigyan mo
Malabo nang pagbuksan mo
Kahit ano pa'ng paghirapan ko
Pa'no kung ayaw mo?
Anong magagawa ko?
Anong magagawa ko?
Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita
Na nami-miss kita
Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rin
Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita (nami-miss kita)
Na nami-miss kita (no, no, no)
Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rin kita (no, no, no)

Post a Comment

Previous Post Next Post
close